ISA ang cyber bullying sa mga malalaking isyu na tinalakay sa bansa noong mga huling bahagi ng taong 2012.
Matagal nang nararanasan ang bullying hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nabahala ang karamihan dahil karaniwang sa mga eskuwelahan at mga kabataan ang nakararanas nito. Subalit sa kasalukuyan, maging sa mundo ng internet talamak pa rin ang pambu-bully hindi lamang ng mga kabataan kundi maging ng iba pang uri ng sektor sa lipunan.
Nang mauso ang mga social networking sites, naging instrument at palaruan na ito ng mga kawatan na ang plano lamang ay gumawa ng masama sa kanilang kapwa.
Makailang-ulit tinrabaho ng BITAG ang iba’t ibang kaso ng pamba-blackmail gamit ang internet. Karaniwan sa mga ito, biktima ng mga panggigipit sa pagsasapubliko ng mga malalaswang litrato at eskandalosong videos.
Noong nakaraang taon, dumulog sa tanggapan ng BITAG si “Stella†at ang kanyang asawa.
Sa pag-aasam na maging isang modelo si Stella sa isang sikat at international magazine, hindi inakala ni Stella na ito pa pala ang magiging ugat ng kanyang mga problema.
Isinusumbong ng mag-asawa, mayroong isang taong pilit na hinihingan sila ng malaking halaga sa pamamagitan ng pamba-blackmail gamit ang e-mail.
Ipinananakot ng taong nanggigipit sa kanila ang mga hubad na litrato ni Stella na nakuha umano nito sa pamamagitan ng pagha-hack ng e-mail ng ginang.
Abangan ang karugtong ng kuwento ng kaso ni Stella na humigit-kumulang apat na buwang binantayan at tinrabaho ng BITAG sa susunod na paglalathala ng kolum na ito.