Weh, totoo? Ice Cream Flavorology
KUNG may astrology, may katapat naman itong Ice Cream Flavorology. May kinalaman daw sa iyong pagkatao ang paborito mong flavour ng ice cream. Sige nga, tingnan natin kung may katotohanan:
Ang Butter Pecan Nut Lover ay matapat at masipag na empleyado kaya maituturing na yaman siya ng kanyang kompanya. Kaya lang ay malihim kahit sa kanyang malapit na kaibigan. Romantically compatible sa Mint Chocolate Lover.
ï€ Ang Chocolate Chip Lover ay mahilig makipagkumpetensiya at malayo ang nararating dahil sa kasipagan. Matulungin siya at marunong mag-share ng kanyang blessings kaya madalas ay kinikilala sa larangan ng pagkakawanggawa. Romantically Compatible siya kay Butter Pecan Lover o Double Chocolate Chunks Lover.
ï€ Ang mahilig sa Coffee Flavour, ay madrama, magaslaw at masayahing maingay. May ugali kang mag-concentrate sa bagong project at ang luma o dating project ay pababayaan na lang kahit hindi pa tapos. Kung ano ang makahumaÂlingan, iyon na lang ang aasikasuhin. Mabilis magsawa sa boring na karelasyon. Romantically compatible sa Strawberry Lover.
ï€ Ang Double Chocolate Chunk Lover ay masayahin, malikhain at emosÂyunal. Siya lagi ang “life of the party†at type na type na siya ang bumibida sa mga umpukan. Hate na hate naman niya ang mapag-isa. Romantically comÂpatible sa Butter Pecan Lover at Chocolate Chip Lover. (May Karugtong)
- Latest