NARITO ang mga celebrities na naging biktima ng bullying noong bata pa sila:
Pierce Brosnan
Mula sa maliit na bayan sa Ireland ay lumipat silang mag-ina sa London dahil overseas worker bilang nurse ang kanyang ina doon. Mga 11 taong gulang siya at ‘ika nga ay “new kid in town†kaya siya ang pinag-initan ng mga bullies. Isa pa, kaya siya minamaliit at laging kinakantiyawan ay dahil sa kanyang Irish accent. “Irish†ang binyag sa kanya ng mga kaklase. Noon ay katawa-tawa ang pagiging Irish, parang jologs ang tingin sa kanila ng mga sosyal na taga-London. Pero ipinagmamalaki ni Pierce Brosnan, nakaya niya ang lahat ng pang-aapi sa kanya at lumaki pa rin siya na balanse ang personalidad. Kasi kung napatalo siya sa pang-iinsulto sa kanya, hindi siguro siya magiging sikat na James Bond.
Tyra Banks
Ang masakit kay Tyra, crush niya sa grade school ang nang-api sa kanya. Bigla nitong sasabihin sa mga kaklase ang mga ganitong pangungusap: “Huwag ninyong palalapitin sa akin ang babaeng payatot na matangkad, may mga alambre sa ngipin (braces) at may malapad na noo.†Ang sakittt! Yung crush ko ang madalas manakit ng aking damdamin. Nagtatago ako sa toilet at doon nag-iiyak, pagtatapat ni Tyra sa isang interview.