…kinawawa noong araw
NARITO ang mga celebrities na naging biktima ng bullying noong bata pa sila:
Taylor Swift
Nasa high school siya nang nakaranas insultuhin ng mga popular na kaklaseng babae dahil nababaduyan sila sa country music na madalas niyang kantahin. Bukod sa pagiging baduy, “weird” ang tingin ng mga kaklase sa kanya dahil ang paniwala nila ay pangmatanda lang ang country songs. Siguro ang ka-level nito sa atin ay mga kundiman. Walang kumakausap at gustong makipagkaibigan sa kanya.
Sa halip na mabahala, lalo niyang ginalingan ang pagtugtog ng gitara upang mas maganda kung sasabayan niya ng gitara ang kanyang pagkanta. Sa sobrang pagpapakadalubhasa sa gitara, dumudugo na ang kanyang daliri sa pagtipa sa mga strings, hindi pa rin siya tumitigil hangga’t di niya namamaster ang isang kanta.
Rihanna
Ang kanyang ina ay black samantalang ang kanyang ama ay Barbadian-Irish. Magkahiwalay ang kanyang magulang. Lumaki siya sa piling ng ina kaya mga blacks ang kanyang nakakasalamuha. Palibhasa ay may lahing Irish ang kanyang ama, mas maputi ang kulay niya sa kapwa bata na karamihan ay pure black. Ito ang dahilan kung bakit nilalayuan at binu-bully siya ng mga kaklase—mas maputi siya kaysa kanila. Ang binyag sa kanya ng mga salbahe ay “white”. Nakatanim sa isipan ng mga ito ay masasama ang “white” kaya halos ay isumpa siya ng mga bata sa kanilang neighbourhood.