^

Punto Mo

Fasting

WANNA BET - Betinna P. Carlos - Pang-masa

KAPAG narinig ang salitang fasting, ang unang naiisip ay di-pagkain, pagpapagutom, sakripisyo at pagpapapayat. Bagamat may sakripisyo sa pagkain ang uri ng fasting na nais kong gawin, ang layon nito ay hindi magpapayat kundi maging mas malapit sa Diyos.

Ang spiritual fasting ay ang pagkakait sa kagustuhan ng katawang tao upang mas mapaglaanan ng oras ang Diyos. Not necessarily pagkain, ngunit sa anumang bagay na may kalabisan sa iyong buhay, kumakain ng oras o humaharang upang ma­ging mas magdasal ka at maging malapit sa Diyos. Halimbawa, mas­yado kang maraming oras sa pag-iinternet, paglalaro ng computer games, panonood ng telebisyon, na hindi mo nabibigyan ng atensiyon at sapat na oras ang pagpapalago ng iyong buhay espiritwal. Napuna ko kasing mahalaga sa maganda at matahimik na pamumuhay ang pagkakaroon ng regular na oras ng pagdarasal. Ngayong 2013, mas gusto ko pang maging mas sensitibo sa mga bulong Niya. Kaya marahil sa pamamagitan ng fasting ay mas mapagninilayan ko ang tungkol sa Kanya… because man cannot live on bread alone.

Paano gawin ang spiritual/biblical fasting? Sa pagsasakripisyo ng pagkain o ng bagay na kalabisan sa buhay mo, pinapalitan ito ng pagdarasal. Dito mararamdaman ang uri ng lakas na kaya Niyang ibigay sa iyo kahit tanggalin ang mga bagay at gawaing sa tingin mo ay hindi ka­yang mawala sa iyong buhay. Because at the end of the day He is all we need and He is enough.

Kailangan ng matinding self-control at disiplina, lalo na kung di-pagkain ang gagawin mo. Pero baka magulat ka na sa pagdarasal mo ay biyayaan ka ng grace at hindi mo mararamdamang ginugutom ka. Mababaling ang iyong pokus sa Diyos. Imbes na gutumin ka sa pagkain, gutom at uhaw sa Diyos ang madarama mo.

Mainam ang fasting sa mga taong labis ang pagiging abala na umiinit na ang ulo dahil mas­yadong maraming kailangang gawin at nai-stress na. Mairerekomenda ang fasting sa iyo dahil mapipilitan kang bagalan ang takbo ng mga bagay sa buhay mo. Makakatulog at makakapahinga ka pa nang mahaba, na may kasamang meditasyon.

 Isa sa mga nais ipakita ng spiritual fasting ang pag-asa sa Diyos. Na talagang nararapat na isuko ang lahat sa Kanya at pabayaan Siyang gawin ang ninanais Niya para sa mga buhay natin. Dahil sa pagsakripisyo mo ng pagkain, umaasa ka, nana­nalangin kang malampasan mo ang gutom na nadarama at Siya ang magbigay ng “pagkain at inuming” hindi nauubos.

Nais kong mag-fasting ng isang linggo, tanggalin ang ilang bagay na kumakain ng labis na oras sa akin na dapat sana ay para sa Kanya. Excited ako dahil gusto kong kumalma at makita kung kakayanin ko ang isang linggong wala ang mga bagay na iyon. At mas excited akong magdasal at mas maramdaman Siya sa aking­ buhay.

BAGAMAT

BUHAY

DIYOS

FASTING

KANYA

MAS

NIYA

PAGKAIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with