^

Punto Mo

Unti-unti nang natuto!

RESPONDE - Gus ablegas - Pang-masa

Ayon sa PNP generally peaceful ang ginawang pag­salubong sa sambayanan sa taong 2013.

Madalang ang naitalang mga krimen at kung ang pag-uusapan naman ay ang bilang ng mga firecrackers related injuries, iniulat ng DOH na halos 17 porsiyento ang ibinaba nito kumpara sa nakalipas na taon.

Nasa 413 ang bilang ng mga naging biktima ng paputok kaugnay sa pagsalubong sa Bagong Taon. Ang nasabing bilang ay mula Disyembre 21 hanggang kahapon (Enero 1) ng umaga.

Sa naturang bilang 404 ang naputukan, pero walo ang tinamaan ng ligaw na bala, isa dito ay sinasabing nasawi.

Dalawangdaan at labingsiyam sa naturang bilang sa nasugatan dahil sa mga illegal na paputok at ang malungkot dito 50 porsiyento sa mga biktima ay batang nasa edad na 10 pababa.

Gayunman sa malaking porsiyento na ibinaba sa mga naging biktima, mukhang maganda na rin ang nangyayari dahil sa unti-unti nang natuto ang marami nating kababayan sa panganib na dulot ng mga bawal na paputok.

Mukhang epektibo ang naging kampanya ng mga ahensya ng gobyerno na mabalaan ang publiko sa panganib na dulot ng mga ito. Inamin naman ng maraming firecrackers manufacturers na malaki ang ibinaba ng kanilang bente sa taong ito.

Sa Davao kung saan total ban ang paputok,  walang iniulat  na nasugatan dito na may kina­laman sa paputok. Maging sa Baguio City total ban na rin ang ipinairal.

Ramdam na nga ang unti-unti pagkatuto ng maraming Pinoy sa mapanganib na paputok at inaasahan natin sa mga susunod na taon, zero injury na ang mangyayari hanggang sa tuluyang masanay na tayo sa paglalaan na lamang ng mga lugar kung saan doon maaaring panoorin na lamang ng publiko ang mga fireworks display na ang mag-ooperate ay eksperto.

Hanggat wala pa ngang batas patungkol sa total ban sa mga paputok, pwede na rin itong pairalin sa bawat munsipalidad o siyudad gaya ng nasa Davao at Baguio.

Muli po, Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat!

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

BAGUIO CITY

DALAWANGDAAN

DAVAO

DISYEMBRE

MALIGAYANG BAGONG TAON

PAPUTOK

SA DAVAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with