Lampong (161)

SA lahat ng mga babaing naka-relasyon niya, si Puri lamang ang pinaka-kontrobersiya. Pero bakit sa kabila na niloko na siya nito ay parang mahal pa rin niya. Kahit na nagsinungaling sa kanya ay hindi pa rin niya ganap na maitakwil. Sira na yata ang ulo niya at patuloy pa ring umaasa na mahal pa siya ni Puri at magkakabalikan sila. Naiimadyin niya na iiwan ni Puri si Senior Citizen at babalik kay Dick lover­boy. Ano bang maku­kuha niyang ligaya sa matanda? Baka hindi na tiniti----n yun. Yun nga lang, may pera. Pero kahit pa gaano karami ang pera kung walang ligaya, balewala rin. Naimadyin ni Dick na huhuthutan lamang ni Puri si Senior C. at saka babalik sa kanya. Hindi tatagal si Puri na walang magpapaligaya. Kilala niya ang sistema ng katawan ni Puri. Kapag walang ‘‘naglaro’’ sa pagkababae ay hindi mabubuhay. At kayang-kaya niyang laruin ang pagkababae ni Puri. Kilala niya ang kiliti ni Puri.

Napangiti si Dick sa naimad­yin. Posibleng magkatotoo.

Tumayo si Dick at tinungo ang kitchen. Binuksan ang ref at kumuha ng beer. Malamig na malamig. Binuksan at tinungga. Nang ibaba ay kalahati agad.

Nagbalik siya sa salas. Binuksan ang TV. Pero wala siyang maintindihan sa palabas.

Pinatay niya ang TV. Inubos­ niya ang beer.

Naalala ni Dick si Puri habang nakahawak sa kamay ni Senior C. Enjoy na enjoy ito. Marami kasing pera si Senior C. Paldong-paldo.

Saan kaya nakilala ni Puri si Senior C.? Baka sa Baguio. Hindi kaya bossing niya ang matanda ?

Nag-isip si Dick. Bukas, pupunta siya sa office ni Puri. Magtatanong siya sa pagkatao ng matandang kinabitan ni Puri. Kailangang malaman niya ito bukas.

KINABUKASAN, ma­agang bumangon si Dick. Nagtungo siya sa opisina ni Puri.

Isang empleada na siguro’y officemate ni Puri ang napagtanungan niya.

‘‘Mam, nariyan po ba si Puri?’’

‘‘Naku hindi na nagtatrabaho si Puri. Big time na yun...’’

(Itutuloy)

Show comments