Lampong (154)

SA halip na si Puri, si Jin­ky ang nakita ni Dick. At kaakit-akit ang anyo ni Jinky --- nakapanty lang ito. Kung bakit naka-panty lang, hindi alam ni Dick. Sabagay, lagi namang eskandalosa kung magdamit si Jinky. Nagpapakita lagi ng motibo.

Nasaan si Puri?

Pinagmasdan ni Dick si Jinky. Nakatayo lang ito sa may pinto at tila may iniisip na malalim. Sa tingin niya ay naging slim si Jinky. Nawala na ang bilbil sa magkabilang tagiliran. Wala na ring puson. Flat na flat ang baha-ging tiyan. Parang dalaga pa kung pagmamasdan si Jinky.

Hindi ito umaalis sa pagkakatayo sa may pinto. Nag-iisip pa rin.

Nasaan kaya ang anak ni Jinky? Bakit wala siyang naririnig na iyak ng bata? Ah baka kinuha na ng ina ni Jinky. Ang alam ni Dick, noon pa balak dalhin sa probinsiya ang anak ni Jinky. Siguro’y natanggap na rin nito ang kinasapitan ni Jinky na binuntis ng ibang lalaki. Wala nang magagawa ang ina kundi siguro umiyak. Wala siyang magagawa.

Sinilip muli ni Dick si Jinky. Nagulat siya sapagkat hinuhubad ni Jinky ang panty. Anong iniisip ni Jinky at lantaran na ang ginagawang pagpapakita ng katawan. Ano ang naisipan ng pasaway na babae at ibubuyangyang pa yata ang kanyang hinaharap.

Nang hubarin ang pan­ty, patakbong nagtungo sa banyo si Jinky. Hindi alam ni Dick kung maliligo o “maghuhugas” lamang si Jinky.

Matagal bago lumabas si Jinky. Naghintay si Dick. Inaamin naman ni Dick na may naantig na damdamin  sa kanya.

Pero magkakasala siya kung patuloy na bibigyan ng pagkakataon si Jinky. Malay niya kung panibagong bitag ito.

Ipinasya ni Dick na umalis na.

Humahakbang na siya nang may tumawag.

“Tito Dick!”

(Itutuloy)

Show comments