^

Punto Mo

Trapik sa EDSA, lumuwag o lumala?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pang-apat na araw na ngayong ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pro­yektong bus segregation scheme.

Kamusta na kaya ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Nabawasan na nga kaya o baka naman lumala.

Tiwala ang MMDA na mababawasan ng mahigit sa 20 porsiyento ang trapik sa naturang lansangan sa pagpapatupad dito.

Sa mga unang araw o sabihin pang kahit sa unang linggo, tanggap na magkaroon muna ng kalituhan sa pagpapatupad dito.

At dahil sa kalituhan, pwedeng sabihin hindi naging tagumpay.

Pero bigyan muna natin ng sapat na panahon na makabisa o kasanayan na ito hindi lang ng mga driver ng bus kundi maging ng kanilang mga pasahero rin.

Baka naman kasi magkaroon ng pagbabago o kahit konti eh makaluwag ang trapik sa EDSA.

Kung sabagay sa naturang scheme, hindi lamang ang mga driver ang matututo rito ng disiplina­ kundi maging ang mga pasahero.

Dahil nga sa may mga nakalaang bus stop sa mga bus na minarkahan ng A, B, at C hindi na kailangang magsiksikan ang maraming bus sa lahat ng mga bus stop gaya ng dati. Dito rin nag-uunahan ang mga driver para mahagip o makopo niya lahat ng pasahero kaya ang labanan kaskasan sa pagmamaneho.

Malalaman din ng mga pasahero kung anong bus ang dapat nilang sakyan sa kanilang bababaan hindi yung sa kung saan-saan.

Mas maganda pa nga rito kung talagang disiplina at bawas trapik din lang ang pag-uusapan, abay dapat na marahil na bigyan ng rin ng tak­dang oras ang mga ito gaya ng sa ibang bansa.

Ang disiplina sa lansangan ay talagang napag-aaralan kung ang batas ay maayos na naipapatupad at hindi pinagkakakitaan.

Aantabay tayo sa kahihinatnan ng segregation scheme na ito ng MMDA na talagang magkakaalam kung tagumpay pagdating ng Enero ng 2013 kung saan balik sa normal ang takbo ng mga sasakyan.

AANTABAY

BUS

DAHIL

DITO

ENERO

KAMUSTA

KUNG

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with