^

Punto Mo

Lampong (149)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“A YAW niyang tumira rito. Mayroon din kasi siyang sariling unit sa malapit lang dito sa inuupahan ko. Kapag nagsawa kami sa unit niya, dito kami sa apartment ko. Okey naman kami sa ganoong sitwasyon. Maligaya kami, Kuya sa buhay namin.’’’

Nagtawa ang kuya ni Dick.

‘‘Hindi ako natutuwa sa sitwasyon ninyo. Kung buhay sina tatay at inay, tiyak na mumurahin ka. Lalo pa si inay na ang gusto ay maayos na maayos ang buhay. Gusto ni inay na ikakasal ang babae at lalaki at saka magsasama nang maayos sa isang tahanan at saka magkakaroon ng anak.’’

“Kanya-kanya naman tayong paniwala sa buhay Kuya. Ako gusto ko ay walang sabit sa buhay. Ayaw ko nang kasal-kasal. Ayaw kong magkaanak. Ayaw kong magkarooon ng bahay at kung anu-ano pa. Dito ako maligaya. At kung saan ka maligaya dapat doon ka.’’

“Talagang kakaiba ka Lampong. Hindi ko alam kung kanino mo nakuha ang ganyang prinsipyo. Pero palagay ko pagdating ng araw ay magsisisi ka. Pagsisisihan mo ang mga maling hakbang sa buhay lalo na ang pakikipag­relasyon.’’

“Hindi Kuya. Wala akong pagsisisihan.’’

“Sayang ka talaga, Lampong. Sabi ko na sa’yo tigilan na ang ganyang klase ng pakikipagrelasyon, e matigas ang ulo mo.’’

“Hayaan mo na ako, Kuya. Maligaya ako rito.’’

“Ano pa nga ba ang magagawa ko?’’

“Sige na Kuya.’’

“Sige, mag-ingat ka na lang. Sana magbago ang pananaw mo.’’

Nahiga si Dick makaraang makausap ang ka­patid. Nag-isip siya ng mga gagawin ngayong problemado siya kay Puri. Kaila­ngang magsagawa na siya ng pag-iimbestiga.

 

ISANG araw, hindi uli pumasok si Dick sa opisina. Ang dahilan, mag-aabang siya sa opisina ni Puri. Palagay niya pumapasok na si Puri. Malakas ang kutob niya.

Nakakubli siya ng hapon na iyon, mga alas-singko sa building nina Puri.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

AYAW

BUHAY

HINDI KUYA

KUYA

LAMPONG

MALIGAYA

SIGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with