^

Punto Mo

EDITORYAL - Hamon sa bagonghepe ng PNP

Pang-masa

BUKAS, Disyembre 18, ay itatalaga ni President Noynoy Aquino ang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Deputy Director Alan Purisima. Nagretiro nang mas maaga si PNP chief Dir. General Nicanor Bartolome para bigyang-daan ang plano ni Aquino kay Purisima kaugnay sa pagdaraos ng May 2013 elections. Sa Marso pa dapat magreretiro si Bartolome.

Noong Agosto unang inihayag ni Aquino ang pagreretiro ni Bartolome at bibigyan ng puwesto sa DILG pero nawala ang isyu. Hanggang sa lumutang ang pangalan ni Purisima na papalit kay Bartolome.

Ang pag-upo ni Purisima bilang PNP chief ay punumpuno ng hamon. Una, sasabak siya sa mala-king responsibilidad na may kaugnayan sa elections. Masusubok ang kanyang kakayahan sapagkat tiyak na magkakaroon ng mga sigalot ang mga magkakalabang pulitiko. Ngayon pa lamang may mga pagbabanta na sa mga magkakalaban sa pulitika. Maraming pulitiko ang may private army at kung hindi magiging masigasig si Purisima sa pagbuwag sa mga ito, dadanak ang dugo. Maraming loose firearms ngayon at tiyak na magkakagulo kapag hindi nasamsam ang mga ito. Umano’y abala ang gunrunners sa pagsusuplay ng armas sa mga pulitiko. Karamihan umano ng mga baril ay nanggagaling sa Mindanao.

Ikalawang mabigat na problemang kahaharapin ni Purisima ay ang sariling mga pulis. Napakaraming “bugok” na pulis  --- mga PO1, PO2 – na sangkot sa maraming krimen. Ang mga ito ang nagbibigay ng dungis sa PNP. Sa kabila na marami nang sinibak si NCRPO chief Leonardo Espina, marami pa ring “scalawags” na patuloy na gumagawa ng kasamaan. Sa kasalukuyan, makita lamang ng mamamayan ang asul na uniporme ng mga pulis, kinakabahan  na sila. Hindi nila malaman kung kanino hihingi ng tulong.

Marami nang naging PNP chief ngunit bigo sila na madisiplina ang sariling miyembro. Habang tumatagal lalo pang sumasama ang imahe ng PNP dahil sa “scalawags” na tauhan. Kapag nadurog ni Purisima ang mga “bugok” maaaring siya na ang “tagapagligtas”. Pupurihin siya nang mamamayan.

 

AQUINO

BARTOLOME

DEPUTY DIRECTOR ALAN PURISIMA

GENERAL NICANOR BARTOLOME

LEONARDO ESPINA

MARAMING

NOONG AGOSTO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with