^

Punto Mo

Sila rin, nagkakamay kapag kumakain (Last of 2 parts)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PARA sa ibang lahi, “barbaric” daw ang paggamit ng kamay sa pagkain. Kahapon ay ikinuwento ko kung ano ang mga sinusunod na alituntunin ng Indians kapag nagkakamay sa hapag kainan.

Dagdag kong kuwento kaugnay nito, marami sa mga Indians ang naasar kay Oprah Winfrey nang nagbigay siya ng maanghang na opinyon tungkol sa pagkakamay ng mga Indians nang minsang dumalaw siya sa India noong January 2012 at nakisalo sa isang pamilya na naghain ng traditional Indian meal. Pumunta doon ang Negrang host para i-feature ang India sa kanyang programa pero nagmaldita  matapos siyang tanggapin nang malugod ng buong sambayanan (mula sa report ng www.dailymail.co.uk).

Sa Africa, may staple food sila na kung tawagin ay Fufu. Ito ay minasang root crops (kapamilya ng camote, etc.)  na ginawang bola-bola at nilagyan ng sabaw at karne. Ito ang kinakamay nila kapag kinakain. Magkapareho sila ng India sa alituntunin ng pagkakamay. Kung sa India ay puwedeng gamitin ang lahat ng daliri ng kanang kamay sa pagsubo, sa Africa ay hinlalaki, hintuturo at panggitnang daliri lang ng kanang kamay ang ipangsusubo ng pagkain. Unethical din sa kanila ang paggamit ng kaliwang kamay.May dalawang bowl na may tubig sa mesa para panghugas ng kamay, bago at pagkatapos kumain.

Walang pagkakaiba sa India at Africa ang alituntunin ng pagkakamay sa Middle East maliban sa—may communal plate (dito kukuha ng pagkain ang lahat) sila sa gitna ng mesa. Pita bread ng bawat isa ang gagamiting pang-scoop ng pagkain.

Unti-unti nang nauuso ang kamayan sa mga sosyal na kainan sa New York kagaya ng  Zak Pelaccio’s Malaysian-inspired Fatty Crab at Tulsi na isang Indian restaurant. At least kapag kumalat na sa US ang kamayan restaurant, hindi na masi-shock ang milyonarya at sikat na Negrang host.

DAGDAG

FATTY CRAB

FUFU

MIDDLE EAST

NEGRANG

NEW YORK

OPRAH WINFREY

SA AFRICA

ZAK PELACCIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with