^

Punto Mo

‘Tuluy-tuloy na Pasko sa PAGCOR’

- Tony Calvento - Pang-masa

PATULOY ang PAGCOR sa pagtulong, pagkalinga at paghahandog ng regalo ngayong Kapaskuhan.

Sinamahan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa isang engrandeng selebrasyon ng pasko na inorganisa ng ahensiya nitong ika-10 ng Disyembre para sa mahigit dalawang libong (2,000) ‘street sweepers’ mula sa Manila, Parañaque at Pasay. Ang mga street sweepers ang nakinabang sa ikalabing-isang araw ng “Bayanihan: Pamaskong Handog ng PAGCOR 2012”. Naglaan ang ahensya ng mahigit tatlong (3) milyong piso para sa pagdaraos ng nasabing okasyon. Bawat isang street sweeper ay napagkalooban ng ‘Noche Buena gift pack’. Ayon kay Pangulong Aquino, sa pamamagitan ng mahusay na pamamahala ni PAGCOR Chairman Cristino Naguiat Jr. ay nabago ang imahe ng ahensya na dating nasangkot sa maraming kontrobersya noong nagdaang administrasyon. Ngayon ang PAGCOR aniya ay mistulang ‘Santa Claus’ sa dami ng natutulungang kapuspalad. Pinuri din ng pangulo ang kasipagan at pagpupunyagi ng mga street sweepers. Sinabi niya na anuman ang kanilang estado sa buhay, ang kanilang dedikasyon sa trabaho at kakayahang tumulong sa kapwa ang pumapantay sa ating tagumpay bilang Pilipino. Ayon naman kay Chairman Naguiat, ito ang kauna-unahang selebrasyon na isinagawa ng PAGCOR para sa mga street sweepers­. Ito ay bilang pasasalamat ng PAGCOR sa mga masisipag na mga tagapag-linis ng mga kalye.

Idinagdag ni Chairman Naguiat na higit na napasigla ang okasyon bunga ng pagdalo ni Pangulong Aquino. Pinasalamatan din ni Naguiat ang Pangulo sa suportang ibinigay nito sa Pamaskong Handog ng PAGCOR magmula nang ilunsad nito ang proyekto noong Disyembre 2010. Marami na ang napasaya ng PAGCOR ngayong pasko dahil sa proyektong ito. Kabilang na rito ang mga estudyante ng Amelia Heights Elementary School sa New Cabalan, Olongapo City. Sa pasukan ngayong darating na Enero 13, 2013 hindi na sila magkaklase sa sira-sira at inaanay na silid-aralan. Naglaan ang PAGCOR ng mahigit kalahating milyong piso para sa pagpapaayos ng anim na silid-aralan at pagpapagawa ng isa pang bagong silid para sa mga ikaapat (4) na grado ng Amelia Heights. Nag-donate din ang PAGCOR sa paaralan ng isang unit ng ‘sound system’ at namahagi ng Christmas gift packs sa mahigit isang daang (100) estud­yante kasama ang kanilang pamilya. Ayon kay Casino Filipino Branch Manager Estrella Luz Cabebe, napili ng PAGCOR na tulungan ang Amelia Heights Elementary School dahil ito ang may pinakamalaking may pangangailangan sa mga institusyon ng Olongapo. Noong ika-pito (7) ng Disyembre dalawang daang (200) may kapansanan naman sa pag-iisip ang nabiyayaan ng maagang pamasko sa Southern Medical Center, Department of Psychiatric sa Davao City. Maliban sa mga regalong ‘grocery items’ at ‘toiletries’ naghandog din ang PAGCOR ng mga saku-sakong bigas, scrub suits, kutson, tsinelas, telebisyon at ‘electric fan’. Bilang bahagi ng “Bayanihan”, nagtulung-tulong ang mga empleyado ng Casino Filipino Davao Branch ng PAGCOR sa pagsasaayos at pagpipintura sa ‘recreational area’, ‘outpatient lounge’, entablado at mga palikuran ng institusyon. Nagbahagi din ang PAGCOR ng tulong sa isangdaang (100) inabandona at pinabayaang bata sa ilalim ng pangangalaga ng Albert Schweitzer Familienwerk Foundation noong Disyembre 11, 2012.

Nagkaroon sila ng ‘Christmas party’ na inihanda ng PAGCOR Casino Filipino Cebu Branch. Na­bigyan din sila ng mga gift packs at mga gamit pampaaralan. Nagpagawa ang PAGCOR ng bakod sa paligid ng institusyon. “Inatasan kami ng aming butihing chairman at CEO na si Mr. Cristino Naguiat Jr. na bigyan ng kasiyahan ang mga kabataang ito ngayong Kapaskuhan nang kahit papaano’y malimutan nila ang malulungkot na karanasang kanilang pinagdaanan,” sabi ng Casino Filipino Cebu General Manager na si Roque Cervantes. Katulong din ng PAGCOR dito ang Albert Schweitzer Familienwerk Foundation at Casino Filipino Cebu representative sa 2011 Miss Casino grand finals na si Jomalyn Enriquez. Ayon sa Executive Director ng Albert Schweitzer Familienwerk Foundation na si Martiniana Mercado, ang pagtanggap ng ganitong uri ng tulong mula sa ilang korporasyon tulad ng PAGCOR ay nagbibigay sa kanila ng inspirasyon upang mas lalong ipagpatuloy ang kanilang hangaring tulungan ang mas marami pang batang kapuspalad para magkaroon ng magandang kinabukasan. Kasabay din nito ay ang pag-abot din ng tulong ng PAGCOR sa 350 beneficiaries ng Rise Above Foundation na pinamamahalaan ng mga misyonaryo at volunteers mula sa iba’t ibang bansa. Tinutulungan ng foundation na ito ang mga taong walang hanapbuhay. Tinuturuan sila ng mga gawaing pangkabuhayan tulad ng paggawa ng mga bag mula sa ‘recycled materials’, ‘leather accessories’ tulad ng bracelets at mga ‘greeting cards’. Pinagbigyan din ng PAGCOR ang kahilingan ng Rise Above Foundation na magkaroon sila ng bagong ‘computer’ at mga silya para sa kanilang I.T room na gagamitin upang sanayin ang mga mahihirap na bata at mga out-of-school youth sa ilalim ng kanilang pangangalaga.

DITO SA AMIN SA CALVENTO FILES, napakarami nang napagkalooban ng PAGCOR ng tulong. Napasaya nila ang mga taong kapuspalad ngayong pasko sa pangu­nguna ni Chairman Naguiat. Hanga kami sa mga proyektong inilunsad upang maiparating ang kanilang pagmamalasakit sa ilang foundation at mga bata. Hindi lamang mga regalo ang handog ng PAGCOR kundi ma­ging mga mapagkakakitaan at gamit upang makapag-aral ng mabuti ang mga bata. Isinasaalang-alang nila ang kapakanan at kinabukasang haharapin ng mga kababayang na­ngangailangan ng kalinga. Saludo kami kay Chairman Naguiat at sa PAGCOR sa pag-iisip ng ganitong uri ng proyekto. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213263166 (Aicel) 09198972854 (Monique) o 09213874392 (Pauline). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor City State Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

 

vuukle comment

ALBERT SCHWEITZER FAMILIENWERK FOUNDATION

AMELIA HEIGHTS ELEMENTARY SCHOOL

AYON

CHAIRMAN NAGUIAT

DIN

DISYEMBRE

LSQUO

PAGCOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with