Simbang gabi
SA darating na Linggo magsisimula ang Simbang gabi o Misa de Gallo. Para makilala ang tradisyong ito na ipinamana ng mga Kastila, narito ang ilang mga impormasyon at trivia tungkol sa Simbang gabi.
l Ang Misa de Gallo ay Simba ng Tandang (Rooster’s Mass). Ang gallo ay Kastila para sa tandang.
l Ang sinaunang Simbang gabi ay nagaganap tuwing hating gabi, kumpara sa atin ngayon na sa madaling araw na.
l Si Pope Sixtus III ang nagpasimuno ng pagdiriwang ng Pasko sa pagsisimula ng araw, ilang sandali lamang matapos ang pagtilaok ng manok sa hatinggabi.
l Mga Pilipino lamang ang may tradisyon ng pagpapares ng bibingka, puto bumbong, tsokolate at salabat sa pagsisimba; gayundin ang naniniwalang kapag nakumpleto ang siyam na gabi ay matutupad ang kahilingan.
l Sakripisyong maituturing ang pagdalo sa Simbang gabi dahil sa alanganing oras na ito. Dahil napuputol o nabibitin ang tulog at pag-uwi ay kailangan nang ihanda ng ina ang mga gamit ng anak sa pagpasok sa eskuwela habang ang asawa naman ay maghahanda sa pagpasok sa trabaho.
l Lalo umanong challenge ang pagpunta sa Simbang gabi nakakangatog sa lamig ang madaling araw ng Disyembre.
l Pagpatak ng Linggo ay simula na ng countdown to Christmas. Sa lahat ng mga bansang nagdiriwang ng Pasko ay Pilipino lang ang may pinakamahabang celebration? Apat na buwan! Hindi ba’t pag pumasok ang ber months ay Pasko na? Kaya nga unang araw pa lang ng Setyembre ay may mga nagpapatugtog na ng Christmas Carols at nagsisimula nang magdekorasyon ang mga tahanan.
l Mga Pinoy lamang ang may espesyal na tawag sa mga regalo tuwing pasko —pamasko o aginaldo.
l Bukod sa Simbang gabi, pagkain ng bibingka at puto bumbong, nariyan din ang pagsasabit ng parol, ang pagbubuo ng belen at ang pagmamano sa mga ninong at ninang — mga bagay na hindi malilimutan ng mga Pilipino.
- Latest