^

Punto Mo

Pekpek Shorts Collection

DIKLAP - Miss Anne - Pang-masa

(Tinawag na Pekpek Shorts Collection ang mga kuwentong ilalathala sa edisyong ito dahil kagaya ng nabanggit na shorts, ang kuwento ay napakaikli.)

 

Bulaklak para kay Misis

 

Isang lalaki ang pumasok sa flower shop. Itinanong ng lalaki kung magkano ang magiging presyo ng bouquet of flowers na pinili niya upang ipadeliber ng 10 sunud-sunod na Miyerkules sa kanilang bahay para sa kanyang Misis.

Ang lalaki ay isang sundalo na nakatakdang idestino sa Mindanao ng anim na buwan. Sanay ang kanyang Misis na binibigyan niya ito ng bulaklak tuwing Miyerkules. Araw kasi ng Miyerkules sila nagkakilala 10 years ago. Gusto niyang patuloy itong makatanggap ng bulaklak kahit siya ay nasa Mindanao.

“Sir, two months and a half lang ang 10 Miyerkules. Dapat ay higit pa rito ang inyong orderin.”

Napangiti ang sundalo na parang nahihiya. Matagal bago nakasagot. “Ten deliveries lang ang kaya kong bayaran.  ’Yung natitirang Miyerkules, bahala na akong maghanap  ng flower shop sa Mindanao. Iipunin ko pa ang susuwelduhin ko sa dara­ting na mga buwan.”

May naisip ang may-ari ng flower shop. “Ipagpapatuloy ko ang pagpapadala ng bulaklak sa iyong misis hanggang anim na buwan. Saka mo na lang bayaran pagbalik mo dito sa Maynila. Nanghihinayang ako sa sweetness mo. Kawawa din si Misis at mabibitin lang. Isa pa, hindi sure kung may  flower shop  sa pupuntahan mo. Mukha ka namang mabait at  mapagkakatiwalaan. Kaya okey lang na pautangin kita.”

Pumayag ang sundalo. Pagkaalis nito ay saka nagsalita ang assistant ng may-ari ng flower shop na kanina pa nakikinig sa usapan ng kanyang amo at ng sundalong kostumer.

“Mam, bakit ka nagtiwala kaagad? Malaking pera din ang itataya mo sa iyong pagtitiwala. Gaano ka kasigurado na babalikan ka para bayaran?”

“Hundred percent akong nakakaseguro na babalik siya. Una, sundalo siya. Kapag sundalo, ma­taas ang tsansa na marangal siya.Ikalawa, mahal na mahal niya ang kanyang Misis at hindi niya gugustuhing mula sa pambabala­subas manggagaling ang magagandang bulaklak na ipapadala niya.”

vuukle comment

ARAW

BULAKLAK

DAPAT

GAANO

IIPUNIN

MINDANAO

MISIS

MIYERKULES

PEKPEK SHORTS COLLECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with