DAPAT mabait at hindi abu sado si Santa Claus. Dapat lagi siyang nakatawa para lumapit ang mga bata sa kanya.
Pero hindi ganito ang ugali ng isang Santa Claus sa isang shopping center sa Maine, U.S. Abusado siya at masungit sa mga bata. Dahil dito, sinibak siya ng management ng mall.
Maraming reklamo ang na- tang gap ng management. Umano, hindi pinauupo ni Santa Claus ang bata sa kanyang kandungan para magparetrato hangga’t hindi nagbibigay ng $12.
Isang batang babae rin ang nagreklamo na humihingi siya ng American Girl doll kay Santa pero masungit umano nitong sinabi na ang dapat ibigay sa bata ay American football.
Marami pang reklamo. Dahil dito sinibak ang Santa Claus.
• • • • • •
Pinagtalunan ang zombiesnobya, binaril ng nobyo
MADALAS magtalo sa text messages ang magkasinta-hang Jared at Jessica. Pero ang pagtatalo nila ukol sa zombies ang pinaka-matindi. Pinagtalunan nila kung totoo nga ba na mayroong zombies. Si Jared ay naniniwalang mayroong zombies samantalang kinontra naman ito ni Jessica at sinabing walang katotohanan ang zombies.
Pero ipinagpilitan ni Jared na totoo ang zombies. Maaari nga raw mag-takeover ang mga zombies sa military sa dara-ting na panahon. Pero sabi ni Jessica, huwag daw seryosohin ang mga zombies. Pero napikon si Jared at kung anu-ano na ang mga sinabi.
Para mapakalma ang nobyo, pinuntahan ito ni Jessica sa bahay. Pero lalo lamang lumubha ang pagtatalo ukol sa zombies. Ayaw siyang papasukin ni Jared sa bahay. Nang magpumilit siyang pumasok, binaril siya nito.
Grabeng tinamaan ang tad-yang, baga (lung) at diaphragm ni Jessica.