Tuwing Disyembre 8 ay ipinagdiriwang natin ang Pista ni Mama Mary o ang mas kilala bilang Immaculate Conception. Kapag nababanggit si Mama Mary, alam natin na siya ang Ina ni Hesus. Siya ang nagdala sa sinapupunan na walang “nagaganap,” kaya tinawag na Immaculate Conception.
Narito ang mahahalagang detalye tungkol kay Mama Mary.
Si Mama Mary ay biniyayaan ng “special grace of God” kung kaya hindi niya minana mula sa kanyang mga magulang ang original sin, bagamat siya ay isang tao at ang lahat ng tao ay namana ito kina Adan at Eba.
Si Pope Pius IX ang nagpatupad upang gawing opisyal ang Pista ng Mama Mary noong Disyembre 8, 1854.
Si Mama Mary ay walang “mantsa” dahil ipinanganak na walang original sin ang itinuring na bagong Eba. Sinadya ng Panginoon na gawing puro si Mama Mary dahil siya ang magdadala kay Hesus, at gayundin ang lahat ng anak ng Diyos. Kung si Mama Mary ang bagong Eba, si Hesus naman ang bagong Adan.
Tayong lahat ay naging anak ni Mama Mary nang ilahad ito ni Hesus sa kanyang disipulong si John habang nakapako sa krus. Na ang lahat, kabilang si John ay ang tinuturing na “Children of God.” Na sinumang tumanggap sa Panginoon ay sinagip ni Hesus at tumatanggap din kay Maria bilang kanilang ina.
Ang Immaculate Conception ay hindi lamang tumutukoy sa pagdadalantao ni Mama Mary kundi nagsimula pa sa mismong pagsilang niya dahil wala siyang original sin.
Si Saint Anne ang ina ni Mama Mary at si Saint Joachim naman ang kanyang ama.
Araw-araw dapat nating inaalala ang kabutihan ni Mama Mary at ating mga ina at tumatayong ina. Kung wala sila, wala rin tayo sa mundo.