Bawal ang Christmas tree sa CGD
MAY sakit na tinatawag na Chronic Granulomatous Disorder (CGD). Isa itong sakit sa dugo na ang bawat dapuan ay nagiging allergic sa Christmas tree.
Ganito ang nangyari sa pitong taong gulang na si Alexander ng London. Hindi nga lang binanggit sa isang ulat ang kanyang apelyido pero kabilang umano siya sa iilang pasyente na nagkaroon ng CGD. Apat sa bawat isang milyong tao ang may ganitong sakit.
Sa CGD, ang isang batang lalaki ay nagkakaroon ng faulty gene sa kanilang bone marrow na pumipinsala sa kanilang white blood cell at dahilan para madali silang tablan ng anumang impeksyon. Naoospital madalas ang may ganitong sakit.
Kailangang iwasan ni Alexander ang mga bagay na may fungal spores at bacteria at iba pang bagay na magbubunsod para atakihin siya ng CGD. Isa na nga rito ang Christmas tree.
Ayon sa ina ni Alexander na si Karin, iniiwas nila lagi ang kanyang anak sa Christmas tree. Kapag pupunta sa ibang bahay si Alexander, tinitiyak nila na walang Christmas tree roon o, kung meron man, pinalalayo nila rito ang bata.
At, siyempre, bawal din ang Christmas tree sa kanilang bahay. Kapag kasi napadikit si Alexander sa isang Christmas tree, maaaring makalanghap siya ng fungal sores na papasok sa kanyang baga at magkakaroon siya ng respiratory infection at inflammation na dahilan para siya maospital. At nagkataong mahina ang baga ni Alexander.
- Latest