...sa ating panlasa sa pagkain
(Last of 2 parts)
3. Ingay sa Paligid. Ayon sa pag-aaral, nawawalan ng abilidad ang isang tao na malasa ang linamnam ng pagkain kung ang ingay sa paligid ay nasa high noise level. Ang normal volume (62 to 67 decibels) ay ‘yung lakas ng ating boses kapag tayo ay nagkukuwentuhan na magkaharap. Kapag normal volume ang naririnig sa isang lugar, mas nagiging kaaya-aya ang lasa ng iyong kinakain.
Kapag naglakbay ang ingay sa tenga, ito ay magtutuloy-tuloy hanggang sa utak. Dahil nanghina na ang utak dulot ng ingay, hindi na nito maidikta sa taste buds kung gaano katamis o kaalat ang pagkaing nginunguya sa kasalukuyan. Sa isa pang pag-aaral na ginawa, ang panlasa sa alak ay maaaring maimpluwensiyahan ng music na naririnig habang umiinom. Nakakapagpasarap daw ng alak ang classical music na pinatutugtog sa normal volume.
4. Depende sa pisikal o emosyunal na kondisyon. Ang chemicals ng pagkain ay iba’t iba ang reaksiyon sa chemical ng ating utak. Kaya ang pagpili kung alin ang masarap na pagkain ay hindi lang personal preference kundi nakadepende kung paano nag-react ang iyong utak sa chemicals ng pagkaing isinubo mo. Ang taong sobrang depressed ay nagiging matabang ang panlasa sa matatamis. Ang may panic disorder ay hindi nakalalasa ng pait. Ang taong pagod na pagod ang katawan sa pagtatrabaho ay maliwanag na nalalasa ang tamis ng kinakain niya o iniinom.
5. Kulay. Hindi lang kulay ng pagkain ang nag-iimpluwensiya ng “lasa” kundi kulay ng packaging nito. Halimbawa, ang mga food manufacturers ay ginagamit ang kulay pulang packaging kung spicy o may kahalong sili ang pagkain. Sa mga inumin, gumagamit sila ng blue o green bottle para sa tingin pa lang mukha na itong “cool and refreshing”. Sa experiment, isang grupo ang pinakain ng hamburger na naka-blind fold. Sarap na sarap sila habang kumakain. Nang alisin ang takip sa mata, nakita nilang green ang kulay ng kanilang kinain. Maya-maya ay may ilang dumaing na masakit ang tiyan. Dahil sa maling kulay, naisip nilang panis ang ipinakain sa kanila. Ang hamburger ay hinaluan nila ng green food color pero bagong luto at hindi panis.