PUMASOK na ang Disyembre at maya-maya lang, Pasko na. Narito ang ilang mga bagay tungkol sa Disyembre:
Ang Disyembre ang ika-10 buwan sa kalendaryong Romano. Ang Enero at Pebrero ay hindi itinuturing na buwan noon.
Ang salitang “December” ay nagmula sa Latin na “decem” na ang kahulugan ay “sampu.”
Ang imbentor ng Romanong kalendaryo na mayroon lamang 304 na araw ay si Romulus, ang kakambal ni Remus, ang mga nakadiskubre sa Roma noong 800 B.C.
Sa Disyembre din pumapatak ang tinatawag na Winter Solstice, o ang araw kung saan pinaka-maikli ang araw at pinaka-mahaba naman ang gabi. Madalas itong tumatapat sa Disyembre 21.
Disyembre 3 ang tinaguriang Hug Day.
Sa kasaysayan naman, noong Disyembre 12, 2000 nang mahati ang Korte Suprema ng United States sa desisyon ng muling pagbibilang ng mga boto pabor kay George W. Bush para presidente. Disyembre rin ng taong iyon nang hiranging presidente ng US si Bush.
Ipinagdiriwang tuwing Disyembre 6 ang pista ng Santo ng mga bata --- si San Nikolas o mas kilala natin bilang Santa Claus.
Alam n’yo bang sa England, ang tipikal na hapunan kapag Pasko ay hindi kumpleto kung walang isisilbing ulo ng baboy?
Disyembre rin ipinagdiriwang ang mga sumusunod na selebrasyon: World AIDS Day,
National Day ng Saudi, Father’s Day ng Thailand, Araw ng Kalayaan ng Finland, Kaarawan ni Mama Mary, Human Rights Day, kaarawan ng Emperor ng Japan, Rizal Day nating mga Pilipino, Pasko at siyempre, ang kaarawan ko.
Ang mga sumusunod na kilalang personalidad ay isinilang din ng Disyembre: Brad Pitt, Britney Spears, Christina Aguilera, Frank Sinatra, Larry Bird, Classical Music Composer na si Beethoven, Hollywood Director na si Steven Spielberg, Tiger Woods, Supermodel na si Tyra Banks at si Walt Disney.