Gusto mo bang magka-beybi ?
…agad-agad?
KAHAPON ay nalathala ang dapat gawin ng mga kala-lakihan upang mapabuti ang kanilang sperm health ayon sa adventurous writer.com/blogbaby . Ngayon naman ay ang mga dapat gawin ni Misis :
Uminom ng vitamins na may folate isang buwan bago ang schedule ng pagbubuntis. Kung buntis na, magandang inumin ay vitamin C para maging malakas ang sanggol hanggang sa araw ng pagsilang.
Gumamit ng ovulation calendar upang matiyak kung kailan ang fertile period at mainam na panahon ng pagtatalik.
Para tumaas ang fertility, kainin lagi ay organic foods. Iwasan ang artificial sweeteners, caffeine, processed meat at alak.
Kumonsulta sa doktor para sa diabetes screening. Ang babaeng may diabetes ay malaki ang tsansang magkaroon ng depekto ang magiging anak.
Iwasan ang high impact exercise. Ito ang mabibigat na exercise na nakakalog na mabuti ang katawan.
Manalangin na mabuntis ka na sana. Ito ang pinakamainam gawin upang magkatotoo ang pinakamitmithi ng ating puso.
- Latest