^

Punto Mo

‘Daliri’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ANG posibilidad na may maganap na aksidente sino o saan ka man naroroon ay hindi mawawala sa araw-araw. Gayon pa man, malaking bilang ng mga naaaksidente ay nakararanas nito sa labas ng kanilang mga tahanan.

Lumapit sa BITAG si Jeff para humingi ng payo at tulong sa tila pambabalewalang nararamdaman sa kompanyang pinagtrabahuhan niya matapos maaksidente rito.

Palaisipan sa isang kontraktuwal na empleyadong gaya niya ang hangganan ng limitasyon ng responsibilidad ng isang kumpanya sakaling masangkot sa aksidente ang kanilang tao.

Kuwento ni Jeff, aksidenteng nahigop ng makinang pinaggigilingan ng sangkap para sa sauce ng litsong manok ang kanyang kamay tatlong taon na ang nakararaan. Ito ang dahilan kung bakit ang dati niyang sampung daliri ay kulang na ng isa.

Bagamat tinulungan si Jeff ng pinagtatrabahuhang kompanya sa mga gastusin sa ospital at pagpapagaling ng kanyang sugat, nanatiling kontraktuwal at limang buwan lamang na nagtatrabaho kada taon si Jeff sa kumpanya.

Agad na sinangguni ng BITAG kay Atty. Freidrick Lu upang bigyang linaw ang mga karapatan ng empleyadong tulad niya.

Ayon kay Atty. Lu, malinaw na Permanent Partial Disability ang natamo ni Jeff. Ito ang tawag sa pagkakabawas ng kanyang kakayahang isagawa ang mga normal niyang aktibidades matapos maputulan ng daliri.

Kung sakaling mapatunayan ni Jeff na may kapabayaan sa nangyaring aksidente ang kom­panya dahil sa palyadong makina, obligasyon umano ng kompanya na bigyan si Jeff ng halagang kabayaran sa pagkakawala ng kanyang daliri.

Kaugnay dito, maaari rin daw na gawing regular na empleyado si Jeff dahil sa nangyari.

Kaya naman kilos prontong nakipag-ugnayan ang BITAG sa pamunuan ng kanilang kompanya upang iparating ang reklamong nakaabot sa aming tanggapan. Bagamat prayoridad daw si Jeff sa pagiging regular na empleyado, walang kasiguraduhan kung kailan ito mangyayari.

Muling kinausap ng BITAG ang pamunuan ng kompanya ni Jeff at nangako naman silang agad na ipoproseso ang mga dokumento ni Jeff upang maisama na sa listahan ng mga regular na emple­yado sa kanilang kompanya.

AYON

BAGAMAT

FREIDRICK LU

GAYON

JEFF

KAUGNAY

KAYA

PERMANENT PARTIAL DISABILITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with