LALAKING NAKA-HEADPHONE, NABAGSAKAN NG HELICOPTER – Naglalakad sa British Colombia si Isaiah Otieno. Patungo siya sa post office para mag-mail ng sulat. Hanggang sa isang helicopter ang nawalan ng control at nag-crash sa lugar na kinaroroonan ni Isaiah.
Hindi nakaiwas si Isaiah sa malagim na kamatayan sapagkat hindi niya narinig ang helicopter na magka-crash na pala. Naka-headphone si Isaiah nang oras na iyon.
50-ORAS NA NAG-VIDEO GAME, NA-DEHYDRATE AT INATAKE SA PUSO --- Addict sa video game si Lee Seung Seop. Sa lahat ng mga addict sa video game siya ang kakaiba. Para maibuhos ang kanyang oras sa video game, nag-resign siya sa trabaho. Talagang hindi na siya maawat sa paglalaro.
Noong Agosto 2005, gumawa ng rekord si Lee Seung nang maglaro ng 50-oras na tuluy-tuloy sa isang South Korean coffee- shop. Umiidlip lamang at umiihi si Lee Seung para sa break at deretso uli sa paglalaro.
Nag-collapsed at namatay si Lee Seung dahil sa dehydration at heart failure.