Mag-ingat sa mga pulitikong sangkot sa illegal drugs

 

SUMAMBULAT na naman ang usapin ng narco politics o mga pulitikong sang­kot sa illegal drugs. Pa­nahon na upang masugpo ang narco politics dahil ito ang balakid sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.

Tila balewala ang pagsi­sikap ng pamahalaan na ma­ sugpo  ang paglaganap ng illegal drugs kung mismong ang ilang pulitiko ay direktang sangkot dito.

Noon ay ugong-ugong lang pero ngayon ay mismong ang PDEA na ang nagbunyag na talagang may pulitikong sangkot sa illegal drugs. Sana tutukan ang pag-aresto sa mga pulitiko na sangkot sa illegal drugs para maparusahan.

Tiyakin ang mga ito ay maghihimas nang malamig na rehas upang magsilbing babala sa lahat nang sangkot sa illegal drugs.

Bukod sa mga pulitiko, higpitan din ang pagpapatupad sa batas sa mga law enforcer na masasangkot din sa illegal drugs. May report na mayroong mga pulis na protektor ng drug syndicates.

Dapat magsilbing modelo  ang law enforcer at pulitiko na hindi sila dapat masangkot sa illegal drugs. Mas magiging magaan ang kampanya ng gobyerno sa illegal drugs kung ang mga opisyal ng pamahalaan ay matitino.

Masyadong nakatutok ang lahat sa graft and corruption samantalang may nakakalusot na illegal drugs na ginagamit para sila maluklok sa puwesto.

Sana huwag magkamali ang mamamayan na maiboto ang mga pulitikong sangkot sa illegal drugs.

 

Show comments