NAIS kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga paborito kong kataga na paulit-ulit kong binabasa kapag pinanghihinaan ako ng loob. Tinagalog ko ito para maintindihan nang marami. Sana ay ma-inspire din kayo ng aking mga paborito.
ï€ Gagawa Siya ng paraan. Ginagawa niya ang lahat para sa atin kahit hindi natin nakikita. Lagi Niyang gagawan ng paraan.
ï€ Ang tanging paraan upang magtagumpay ay mahalin ang iyong trabaho. Kung hindi mo pa nahahanap ito, huwag tumigil. Parang pag-ibig lang iyan. Malalaman mo lang kapag naramdaman mo na.
Bakit may mga taong matatalino pero gumagawa ng mga katangahan? Bakit may mga taong mataas ang IQ ngunit bagsak pagdating sa pagpapasya. Hindi pala sapat ang talino upang maiwasan ang maling desisyon. Baka kulang ka sa dasal at gabay mula sa Kanya.
ï€ Ang ating puso --- ang nilalaman nitong emosyon ng pagmamahal at pagnanais --- ang nagdidikta ng direksyong ating tinatahak at kung papaano natin ginagamit ang ating buhay. Dahil lagi natin hinahanapan ng oras ang mga bagay na gusto natin, ang mga nais natin. Ingatan ang ating puso. Siguruhing tututukan natin ang mga kagustuhang magpapanatili sa atin sa tamang daan. Siguruhing itutulak tayo ng ating puso, ng ating kagustuhan sa tamang direksiyon. Tumingin nang diretso. Tumutok sa iyong pinakamimithi. Huwag isasakripisyo ang iyong pinakagusto sa iyong gusto lamang ngayon.
Nais mo bang umangat sa buhay? Simulan sa pagpapakababa. Pagkat ang mayabang ay lalong nalulugmok at nababaon. Samantalang ang mapagpakumbaba ay itinataas.
Hindi natin mapipili kung ano ang mangyayari sa atin. Ngunit makokontrol natin ang ating reaksiyon sa bawat sitwasyon. Ang sikreto ng isang masayang puso ay kaisipang puno ng mabubuting bagay lamang.
ï€ Lumapit akong sira, upang maayos. Lumapit akong sugatan, upang hilumin. Lumapit akong desperado, upang sagipin. Lumapit akong walang laman, upang Iyong punan. Salamat sa Iyong pagtanggap at pagmamahal sa kung ano ako.