^

Punto Mo

Pakitang tao

KAWENTONG PALASYO LARGABISTO - Pang-masa

DININIG kahapon sa Senado ang panukalang-batas na nagbabawal ng political dynasty­. Pinangunahan ng Senate­ committee on electoral reforms ang hearing pero malabo na may positibong resulta dahil ang ilang senador ay guilty sa political dynasty.

Hindi maipaliwanag ng ilang senador kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng political dynasty. Humirit si Sen. Serge Osmeña na dapat ay pagbawalan ang president at bise president na kumandidato ang kamag-anak nito dahil makakaimpluwensiya sa kandidatura ng kaanak na nasa kapangyarihan pa.

Hindi raw kasi masasabing maaaring makaimpluwensiya ang ang isang senador kung ang kamag-anak ay tatakbo rin bilang senador maliban na lang sa local level.

Malabong makalusot ang panukalang-batas sa anti-dynasty  dahil maraming pulitiko na nagmumula sa iisang angkan. Sa ngayon ay pakitang-tao lang ang ilang pulitiko na kunwari ay pabor sila sa anti-political bill pero sa totoo lang ay hindi.

Sa Senado, maaaring makalusot sa plenary ang bill dahil ilan dito ang may ambisyon. Baka sila mapag-initan ng taumbayan kung magiging garapal.

Asahan na sa Kongreso na malabong makapasa ang anti-dynasty bill dahil maraming kongresista na ang asawa, anak o kapatid ay may hawak na posisyon sa local level.

Ayon naman kay Comelec chairman Sixto Brillantes, gagawin niyang adbokasiya ang anti-political dynasty.

Abangan natin kung may kahihinatnan ang panukalang batas na ito na matagal nang nakabinbin sa Kongreso.

ABANGAN

ASAHAN

AYON

COMELEC

DYNASTY

HUMIRIT

KONGRESO

SA SENADO

SIXTO BRILLANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with