Bakit sila masaya?
MAY kilala ka bang tao na laging masaya at kahit anong mangyari sa kanya ay kalmado lang at kayang dalhin ang sarili? Bakit masaya ang mga taong tinutukoy ko? Ito ang tingin ko:
1. Hindi mataas ang expectations sa mga tao, sa mga pangyayaring magaganap sa buhay nila at iba pa. Kumbaga, they expect the worst but hope for the best. Itong ugali ng hindi umaasa ng malaki, at bagkus ay nagiging positibo lamang ang isa sa mga susi ng kaligayahan. Dahil hindi ka nag-eexpect, hindi ka masyadong mabibigo.
2. Tanggap nila ang mga bagay na hindi nila kayang baguhin at hindi na sinusubok pang baguhin ang mga ito. Sabi nga nila, know what you can change, and let go of those you cannot. Nagsasayang ka lang ng oras kung alam mo namang wala kang kontrol sa isang bagay at pipilitin mo lang.
3. Regular na may nakakausap at nakakasocialize. Kailangan natin ang may palaging nakakahalubilo at mga nakakausap na mga tao. Socializing makes our life happy, healthy and balanced. Kapag laging nasa bahay ka lang, talagang mabubugnot ka. Subalit, ingatan din naman ang labis na paggala at piliin ang mga taong kinakasama mo.
4. Marunong silang magpasalamat. Mayroon sila ng tinatawag na “Attitude of Gratitude.” Ito ay isang katangiang maipagmamalaki kong mayroon ako. Kapag marunong kang magpasalamat sa malalaki at maliliit na bagay, kung ano ang mayroon ka at ibinigay sa iyo, pati ang mga hindi ipinagkaloob sa iyo, mas magiging panatag ang kalooban mo at masaya ang puso. Kung gusto mong maging masaya ang buhay mo, matutong magpasalamat. Kapag reklamo ka nang reklamo, darami pa ang mga bagay na irereklamo mo.
5. Kapag gumagawa ng kabutihan sa kapwa lalo na sa mga hindi inaasahan ang iyong tulong. Any act of kindness gives so much joy to the doer. Kahit maliit na gesture lang pakiramdam mo anghel ka sa lupa dahil napaka-rewarding ng reaksyon at pasasalamat sa iyo ng taong natulungan mo. Sabi nga nila, invest in good karma. Gumawa ng mabuti sa kapwa at mabuti rin ang babalik sa iyo. At kapag bumalik ang maganda at mabuti, hindi ba’t ligaya ang dulot nito?
Sabi nila, life is what we make of it. Gaganda ang buhay kung patatakbuhin natin ito ng tama. Kung gusto natin lumigaya, gumawa at mag-isip ng mabuti. Huwag umasang gaganda ang iyong buhay kung nega kang mag-isip! Change how you think first!
Twitter: @abettinnacarlos
- Latest