AKALA mo, pampalusog lang ng katawan ang gatas. May iba pang pakinabang sa gatas:
1. Ang frozen fish ay magiging fresh ang lasa. Paano? Ibabad sa gatas ang frozen fish hanggang sa matunaw ang yelo nito at lumambot. Parang bagong huli ang isda kapag niluto ito.
2. Nakaka-repair sa crack ng chinaware. Ilagay sa kaldero ang may crack na china. Idagdag ang fresh milk o reconstituted powdered milk. Kapag kumukulo na, pahinain ang apoy at hayaang kumulo ng 45 minutes. Ang protein sa gatas ang tutulong para mawala ang fine cracks ng china.
3. Nakakalinis ng marumi at greasy hands. Paghaluin ang oatmeal at gatas. Ito ang ikuskos sa marumi at greasy hand. Hindi lang lilinis ang kamay, lalambot pa ito.
4. Nakakaalis ng mantsang ink sa de kulay na damit. Hindi kasi makakagamit ng bleach sa de kulay kaya gatas ang mabuting pang-alis na mantsa. Ibabad ang mantsa sa gatas sa buong magdamag. Labhan kinabukasan.
5. Ang gatas ay puwedeng gamitin na pang-facial. Pag-haluin ang one-fourth cup ng powdered milk at tubig. Kapag parang paste na ang hitsura, imasahe ang mixture sa mukha. Hayaang matuyo ang gatas sa mukha. Banlawan. Feeling fresh and rejuvenated ka pagkatapos maghilamos.