Skeleton ng kalapati na may dalang messagenoong world war 2, natagpuan sa chimney
KALAPATI ang isa sa mga ginagamit sa Britain noong World War II para magdala ng mensahe ukol sa galaw ng mga kalaban, particular ang mga Nazi ni Hitler.
Ang mga nagpapadala ng mensahe ay ang tinatawag na codebreakers. Sila ang mga sumasagap at nag-iintercept ng mga mensahe ng kalaban.
Isang kalapati ang ginamit ng mga codebreakers para magdala ng mensahe pabalik sa Britain.
Pero nagtaka ang mga codebreakers sapagkat hindi na nakabalik ang kalapati. Ang mensahe ay may kaugnayan umano sa D-Day invasion. Nagbigay ng problema ang kalapati sa codebreakers. Iyon ang unang pagkakataon na hindi nakabalik ang kalapating pinagdala ng mensahe.
Natapos ang giyera. Lumipas ang maraming taon. Nalimutan na ang tungkol sa mga masasamang pangyayari at mga hirap ng digmaan. Nalimutan na rin ang mga kalapating ginamit ng codebreakers.
Hanggang sa matagpuan kamakailan sa isang chimney sa Surrey, Britain ang mga buto ng isang kalapati na pinaniniwalaang tagadala ng mensahe pabalik sa Britain.
Ang kalapati ay may nakataling mensahe sa legs nito. Kaya lamang hindi na mabasa ang mensahe sapagkat nabura na iyon. Walang makita sa mensahe.
Pinaniniwalaang na-disorient ang kalapati habang patungo sa Bletchley Park at bumagsak sa isang chimney at namatay.
- Latest