BIR nagpaalala sa pagpa-file ng ITR
MANILA, Philippines — Pinaalahanan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang mga tinatawag na self-employed individual, gayundin ang nasa online selling na magsumite ng kanilang annual income tax returns.
“For fellow citizens engaged in online selling who are registered with the BIR, you are required to file your Annual Income Tax Return using BIR Form 1701”, pahayag pa ng BIR chief.
“As for those operating a sole proprietorship—where the business is registered under an individual’s name rather than a corporation—Lumagui said the appropriate tax return to use is also BIR Form 1701,” dugtong ni Lumagui. Ginawa ni Lumagui ang pahayag ngayong wala ng isang buwan ang itinakdang deadline ng BIR para sa pagpa-file ng ITR kung saan nagbigay din siya ng tips para matiyak na tama at nasa takdang oras ang pagsusumite ng huli. Ayon sa BIR Commissioner, ang annual sales ay higit sa P3 million, kailangang magsumite ng Auditor’s Report at Financial Statements na ginawa at nilagdaan ng isang external auditor na accredited ng kanilang kawanihan.
Samantala, matatandaan na unang inilunsad ng BIR ang Friendly Tax Compliance Verification Drive (TCVD) nito, na isang nationwide initiative bilang bahagi na rin ng Tax Awareness Month.
- Latest