2 bodyguard ni Bato, tinanggal
MANILA, Philippines — Kinumpirma mismo ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na tinanggal na ang kanyang security detail mula sa Philippine National Police (PNP) ilang araw matapos maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte at dalhin sa The Hague.
Sinabi ni Dela Rosa sa isang phone patch interview na nalaman lamang niya ang pagtanggal sa kanyang security na ibinigay ng PNP noong Marso 24 pagdating niya sa Davao.
Itong pag-uwi ko sa Davao, wala na akong security. Pinapa-report na lang sila sa unit nila. Hindi ko alam kung kailan sila pina-report ha? Dahil naka-standby ‘man sila dito,”ani Dela Rosa.
Nilinaw ni Dela Rosa na mayroon siyang dalawang security personnel sa Davao at dalawa rin sa Maynila at hindi niya tiyak kung maging ang security niya sa Maynila ay tinanggal na rin.
Sinabi rin ni Dela Rosa na sa isang post sa Facebook na simula nang bawiin ng PNP ang kanyang security ay nagboluntaryo naman ang mga kaibigan niya na mga retiradong alagad ng batas at mga sundalo mula sa army ang nagbibigay ng seguridad sa senador.
- Latest