‘Community Day Care Center’, paramihin
MANILA, Philippines — Upang makapagbigay din ng karagdagang oportunidad sa pagtatrabaho partikular para sa hanay ng mga kababaihan, binigyan-diin ni dating Davao City Congressman Karlo Nograles ang pangangailangang paramihin pa ang community day care centers sa lungsod.
Binigyang diin ni Nograles, na dati ring naging chairman ng Civil Service Commission (CSC), kasabay sa selebrasyon ng Women’s Month ay dapat paigtingin ang pangangalaga sa kapakanan. Lalo na ng mga working mother at iba pang kababaihan na hindi sakop ng labor force ng bansa.
Ayon kay Nograles, makatutulong ang Davao City sa paglikha ng maraming hanapbuhay para sa mga pamilya ng lungsod sa pamamagitan ng pagpapatayo ng maraming childcare facilities at iba pang uri ng serbisyo sa mga komunidad.
Sinabi rin ni Nograles na bukod sa mas maraming day care centers, nais din niyang makapagkaloob ang city government na training at support programs patungkol sa pagnenegosyo o iba pang maaaring pagkakitaan sa mga kababaihan kapag siya ay pinalad sa kanyang mayoralty bid.
- Latest