‘Wag pahirapan ang commuters - Marcos

Sa tatlong araw na tigil pasada…
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation (Dotr) at iba pang ahensiya ng gobyero na tutukan ang kapakanan ng mga pasahero sa gitna ng tatlong araw na tigil pasada ng grupong MANIBELA.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na ang direktiba ng Pangulo sa DOTr at ibang concerned agencies ay huwag pahirapan ang mga commuters.
Dahil dito kaya naglatag na aniya si DOTr Secretary Vince Dizon ng mga paraan tulad ng pagbibigay ng libreng sakay.
Maliban dito, nanawagan na rin aniya si Dizon sa pamunuan ng MANIBELA na makipag-usap muna sa kanya tungkol sa kanilang mga hinaing dahil hindi lang ang gobyerno ang maaring magkaroon ng impact sa gagawin nilang tigil pasada kundi maging ang commuters.
Dapat aniyang alalahanin ng transport group na ang mga commuters ay inosente at nalalagay lamang sa gitna ng sitwasyon.
Kaya kung ano aniya ang nais ay mag-usap at ibigay sa bagong liderato ng DOTr ang kanilang ninanais at huwag idamay ang mga commuters sa kanilang usapin.
- Latest