^

Police Metro

Usaping food at transpo allowance, tinalakay ng TRABAHO

Joy Cantos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Naghain ng ­plataporma si TRABAHO Party­list nominee Ninai Chavez sa mga residente ng Pagbilao, Quezon noong March 18, 2025 sa tulong ni Vice Mayor Gary Alcala, na kung saan ay naging matagumpay ang ginawang pakikipagtalakayan ng TRABAHO, bilang 106 sa balota.

“Gusto rin namin [TRABAHO] ng karag­dagang-benepisyo [para sa mga manggagawa],” sabi ni Chavez.

“Ano ba naman food allowance? Ano ba naman ang transpo [transportation] allowance? Malaking tulong na po sa atin po iyon,” dagdag pa niya.

Ayon sa nominee, ang kinikita ng mga manggagawa ay dapat may allowance para sila ay makapag-ipon, at upang mayroon silang mahuhugot pambayad sa mga emergency expenses o hindi inaasahang bayarin.

Aprubado naman ang naging talakayan sa mga taga-Pagbilao na makikita sa isang video na nagstanding ovation habang isinisigaw ang “106 TRABAHO Partylist”.

Ipinakilala rin kama­kailan nina Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang TRABAHO sa mga Lucenahin, na nagsilbing daan upang maipamahagi ang plataporma at legislative agenda ng nasabing partylist sa mga residente ng Lucena.

TRABAHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with