^

Police Metro

Medialdea nakalabas na sa ospital

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masayang ibinalita kahapon ni Seandor Bong Go na nakalabas na sa ospital sa Netherlands si dating Executive Secretary Salvador Medialdea.

‘’Masayang ibinabalita ni Senator Bong Go ngayong Sabado na nakalabas na ng ospital si dating Executive Secretary Salvador ‘Bingbong’ Medialdea na ilang araw ring na-confine sa The Hague, Netherlands,’’ ayon kay Go sa post sa kanyang Facebook account.

Nagpasalamat naman ang Senador sa mga kababayan na nagdasal at patuloy na nagdasal para sa kalusugan ni Medialdea.

Kasabay nito, nanawagan naman si Go sa publiko na ipagdasal din ang kalusugan at kaligtasan at paglaya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) na nahaharap sa kasong  crimes against humanity.

Matatandaan na Marso 18 nang dalhin si Me­dialdea sa isang ospital sa The Hague nang biglang sumama ang pakiramdam habang binibisita nito si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang detention cell.

EXECUTIVE SECRETARY SALVADOR MEDIALDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->