Palasyo walang alam sa ‘asylum’ ni Digong sa China

MANILA, Philippines — Hindi umano nakaabot sa Malacañang ang impormasyon na nag-apply umano ng asylum si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, wala silang natanggap na impormasyon patungkol sa aplikasyon ng asylum sa China ng dating Pangulo.
Iba aniya ng natanggap na impormasyon ng Palasyo, at ito ay ang pag-uwi ng dating presidente mula sa biyahe nito sa Hong Kong.
“Wala po kaming gaanong impormasyon na natanggap. Hindi iyon ang mga lumabas na info na dumarating sa Palasyo,” ani Castro.
Bago naaresto ang dating Pangulo ay nagtungo ito sa Hong Kong kasama ang kanyang ilang dating miyembro ng gabinete at mga supporter at nakipagkita sa mga overseas Filipino worker.
Hindi naman kinumpirma ng kampo ni Duterte ang isyu ng paghingi ng asylum sa China.
Nauna nang lumabas sa isang ulat na nag-apply ng asylum sa China subalit hindi pinagbigyan si dating pangulong Duterte.
- Latest