PhilHealth inalis na ang 45-day benefit limit
MANILA, Philippines — Inalis na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ipinaiiral nilang 45-day benefit limit.
Sinabi ni PhilHealth president at CEO Edwin Mercado na ang naturang 45-day benefit limit ay isa nang ‘outdated cost-containment strategy’ kaya’t nagpasya silang alisin na ito.
Kasabay nito, binigyang-diin rin niya ang pangangailangan na ikober ang higit sa 45 araw, para sa ilang kondisyon.
“Naiintindihan natin kung bakit ito (benefit limit) inilagay noon, ngunit, sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon na rin talagang repormahin ito,” wika ni Mercado.
Aniya pa, upang matiyak naman ang responsable at epektibong implementasyo ng bagong polisiya, masusing imumonitor ng PhilHealth ang patient admissions, readmissions, at paggamit ng benepisyo na lampas ng 45 days.
Ang health facility compliance sa clinical standards at reimbursement rules ay ia-assessed rin sa pamamagitan ng Health Care Providers Performance Assessment System (HCPPAS).
- Latest