^

Police Metro

Pagtutok sa public transpo system, suportado ng TRABAHO

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta ang TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, sa pagtutok ng pamahalaan sa pagpapabuti ng public transportation system upang mapabuti ang pang-araw-araw na biyahe ng milyun-milyong Pilipino.

Sa isang press briefing sa Malacañang nitong nakaraang linggo, inilatag ng administrasyon ang kanilang mga plano sa pagpapalawak at pagsasaayos ng sistema ng transportasyon sa bansa, na may layuning gawing mas mabilis, abot-kaya, at accessible ang pampublikong transportasyon. Ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang kanilang papuri sa hakbang na ito, na nakikitang may malaking epekto sa trabaho at ekonomiya.

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, malaki ang benepisyong hatid ng maayos na transportasyon sa mga manggagawa.

Bukod sa job generation, tiniyak ng TRABAHO na ang mga proyektong ito ay magdadala ng benepisyo sa lahat ng sektor ng lipunan.

Isinusulong ng partylist ang patas na oportunidad sa trabaho at pagkakakitaan, kabilang ang ligtas at inklusibong transportasyon para sa mga may kapansanan (PWDs), kababaihan, at mga marginalized na komunidad.

PUBLIC TRANSPO SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->