3 araw na tigil-pasada ikinasa ng Manibela  

MANILA, Philippines — Nagkasa ng tatlong araw na tigil-pasada ang transport group na Manibela simula sa Lunes (Marso 24) hanggang Miyerkules (Marso 26).

“Sa Lunes, magkakasa kami ng tatlong araw na transport strike. Simula sa Lunes, March 24, ay dinedeklara na­ming ang nationwide transport strike,” pahayag ni Mar Valbuena, Presidente ng transport group na Manibela.

Ito ay dahil sa umano’y pagsisinunga­ling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagsabing umaabot na sa 86% ang nag-conso­lidate at nakapag-comply para sa modernisasyon ng public utility vehicle (PUVs) sa bansa.

Gayunman, sinabi ni Valbuena na maaring ma extend pa ng mga araw ang tigil-pasada depende sa magiging paliwanag ng LTFRB sa sitwasyon.

Iginiit din ni V­albuena kay Transportation Secretary Vince Dizon na sibakin sa puwesto ang mga opisyal ng LTFRB sa pangu­nguna ni Chairman Teofilo Guadiz.

Dapat anyang pag-aralan at suriing mabuti ni Secretary Dizon ang kondisyon ng maliliit na driver lalo pa’t may pangako ang pamahalaan na aayusin ang sistema ng transportasyon sa bansa at kahalagahan ng maliliit na tsuper ng mga pampasaherong sasakyan.

Show comments