^

Police Metro

BIR panalo sa kasong isinampa vs 5 Chinese na sangkot sa illegal na sigarilyo

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — “WE will raid your warehouses. We will des­troy all illicit cigarettes and machines. We will file cases against you. You will be arrested”.

Ito ang matigas na pahayag ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. kung saan tiniyak niyang hindi titigil ang buong puwersa ng kanilang ahensiya para tugusin at papanagutin sa batas ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis sa gob­yerno.

Ginawa ni Lumagui ang babala nang katigan ng Department of Justice (DOJ) ang P5.7 bilyong tax evasion case na isinampa nito laban sa limang Chinese nationals na konektado sa isang malaking illegal na operasyon ng sigarilyo.

Ang naturang kaso ay bunsod na rin sa naunang raid na isinagawa ng BIR at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) personnel sa mga warehouse sa Bulacan at Valenzuela noong November 6 at 7, 2024, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga ilegal na sigarilyo at mga makina sa paggawa nito.

Nabatid na aabot sa 21,000 master ­cases ng illicit cigarettes, na may katumbas na P5,764,761,450.00 tax liabilities, ang narekober ng nabanggit na magkasanib na puwersa.

Sa naging desisyon ng DOJ, dalawang criminal charges ang naihain sa Court of Tax Appeals (CTA) nitong nakaraang Huwebes, Marso 13 at inaasahang maglalabas na rin ng warrant of arrest laban sa limang Chinese nationals na isinasangkot sa illegal cigarette operation.

CIGARETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->