Malacañang nagpatulong sa media na labanan ang ‘fake news’

MANILA, Philippines — Umapela ng tulong sa mga miyembro ng media ang Palasyo ng Malacañang para labanan ang talamak na fake news na kumakalat sa social media.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na sa dinami-rami ng kumakalat na fake news ay malaki ang maitutulong ng mainstream media para mag-fact check dahil mayroon silang mga kredibilidad.

Dapat din aniyang malaman ng taumbayan na lahat ng lumalabas ng mga fake news ay dapat maputol, hindi lang sa isyu ng extrajudicial killings o EJK kundi maging mga fake news na pumapabor kay da­ting Pangulong Rodrigo Duterte.

Hiling pa niya, dapat na ipakita rin ng mainstream media at maging ng social media kung ano talaga ang kalagayan noong mga biktima at mga pamilya ng mga biktima ng EJK dahil sila rin naman ay mga Pilipino.

Show comments