Babaeng STL collector ni-rape/slay

MANILA, Philippines — Walang saplot pang-ibaba na hinihinalang ginahasa at natagpuang patay ang isang babaeng kolektor ng Small Town Lottery (STL) sa isang kakahuyan sa Brgy. Ibabang Bulo, Unisan, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Itinago ng pulisya ang biktima sa pangalang Grace na inutusan ng kaniyang ina na-iremit ang koleksyon sa STL sa Brgy. Ibabang Panaon sa kabilang Barangay ng nasabing bayan.

Gayunman, nagtataka ang ina ng biktima kung bakit gabi na ay hindi pa umuuwi ang kaniyang anak.

Dahil dito nagpatulong na ang ginang sa kanilang mga kapitbahay kasama ang mga barangay tanod na hanapin ang anak at dito na nadiskubre ang bangkay ng biktima sa kagubatan ng Brgy. Ibabang Bulo.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga otoridad ang kasong ito upang matukoy ang salarin.

 

Show comments