Pamumulitika ng Gabriela binatikos ng NTF-ELCAC

MANILA, Philippines — Binatikos ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang lantarang paggamit ni Gabriela Women’s Partylist Representative Arlene Brosas, at samantalahin nito ang sitwasyon ng paglabas ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Pahayag ng task force, pinangalandakan ni Brosas at pinipilit na idinidikit ang NTF-ELCAC kay dating Pangulong Duterte upang magulo ang usapin.

Sinabi ni Undersecretary Ernesto Torres Jr. Executive Director ng NTF-ELCAC na ang mga ‘patutsada’ ni Brosas na dapat nang binubuwag ang task force ay malinaw na pagsasawalang bahala nito sa insureksiyon na gawa ng kanyang mga kaalyadong mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Samantalang totoo, na ang NTF-ELCAC ay naitatag dahil sa EO No. 70 noong panahon ni Pangulong Duterte, ang mandato ay puksain ang panggugulo ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng ‘whole-of-nation approach’.

Show comments