^

Police Metro

Libu-libo lumahok sa motorcade ng ATeacher Partylist

Mer Layson - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Libu-libo ang lumahok sa isinagawang motorcade ng ATeacher Partylist sa Maynila bilang pagpapakita ng suporta sa misyon nito sa May 2025 midterm elections.

Bahagi ng misyon ng ATeacher Partylist ang pagsusulong ng educational programs at pagsuporta sa mga guro, mag-aaral at sa general public.

Ipinahayag ni ATeacher Partylist nominee Virginia Rodriguez na sinsero ang kanilang layuning makapaglingkod at hindi sila katulad ng ibang partylist na walang makabuluhang kontribusyon sa kongreso.

Ang ATeacher, na number 137 sa balota ay layon din makapaghatid ng serbisyo sa agricultural community.

Ani Rodriguez, bibigyang pansin nila ang kapakanan ng mga guro sa bansa at magsusulong ng panukala para maging libre ang dialysis sa mga guro na may sakit sa kidney at para mapagkalooban sila ng bitamina na panlaban sa sakit na cancer.

Bahagi rin ng prayoridad ng ATeacher ang matulungan ang sektor ng agrikultura na layong mabigyang kaalaman ang mga magsasaka para magkaroon sila ng mas maraming ani upang makatulong sa pagbaba ng presyo ng bilihin.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with