P1.8 bilyon ipinagbabawal na vape at mga ukay-ukay nasamsam ng BOC
MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P1.8-B halaga na ipinagbabawal na vape at mga ukay-ukay ang nasamsam ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) Customs Intelligence and Investigation Services-Manila International Container Port (CIIS-MICP) sa isang warehouse sa Valenzuela City.
Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio, nakita sa warehouse ang mga smuggled na disposable vapes at vape pods, ukay-ukay na damit, handheld fans at desk fans, phone chargers, Chinese food items, wireless headsets, disposable syringes, office chairs, wall panels, at iba pang mga gamit.
Paalala ni Rubio sa publiko, delikado sa kalusugan ang paggamit ng vape, at mas lalong delikado ito kung hindi dumaan sa regulatory testing and procedures.
Sinabi naman ni CIIS Director Verne Enciso, ang mga nakumpiskang vapes, used clothing, at fake goods sa nasabing warehouse ay pawang galing ng China na aabot sa P320,069,900 habang ang mga smuggled ukay-ukay products at iba pang mga gamit ay nagkakahalaga ng P860 milyon.
Ipinaliwanag naman ni BOC Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy ang kahalagahan ng pag boykot sa mga smuggled at mga pekeng produkto dahil ito ay hindi ligtas at substandard na materyales. Ang may-ari ng warehouse ay maaaring maharap sa iba’t ibang kaso.
- Latest