^

Police Metro

Tingog Partylist Summit 2025: Panibagong panata at paglilingkod sa mga Pilipino

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigit 500 partners at volunteers mula sa iba’t ibang Tingog Centers sa buong bansa ang nagtipon sa Tingog Summit 2025 noong Pebrero 6, 2025, sa Leyte Academic Center sa Campetic, Palo, Leyte upang muling pagtibayin ang misyon ng Tingog Partylist.

Sa ikalawang yugto ng Tingog Summit, kinilala ang kontribusyon ng mga kawani at boluntaryo at binigyang-diin ang mga nagawa ng partido.

Ang pagtitipon ay hindi lamang isang pagdiriwang ng paglalakbay nito, kundi isang panibagong panata na ipagpatuloy ang pag­lilingkod at pagbibigay kapangyarihan sa mga Pilipino saan mang sulok ng bansa.

Mula nang maitatag noong 2012 bilang Tingog Leytehon sa Leyte, nakaranas ang partido ng kahanga-hangang pag-unlad, mula sa Eastern Visayas, kung saan ito nag-ugat hanggang sa maging isang pambansang puwersa.

Isa sa mga pundasyon ng pagpapalawak na ito ang pagtatatag ng Tingog Centers, na sa kasalukuyan ay may 210 sentro na nag-o-operate sa buong bansa. Binigyang-diin ni Rep. Jude Acidre ang kahalagahan ng mga sentrong ito sa pagtupad sa misyon ng partido.

PARTYLIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with