Pangulong Marcos aminado ‘di kayang tapatan ang mga barko ng China
MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala ang Pilipinas na kakayahan na mapaalis ang malalaking barko ng China.
Ito’y dahil kulang aniya ang bansa sa mga kagamitang pandigma gaya ng aircraft carrier, destroyer, frigate, at submarine.
Gayunpaman, sa press briefing sa Malacañang, tiniyak ng Pangulo na ipagtatanggol ng Pilipinas ang soberenya nito.
Aniya, misyon ng Coast Guard at Navy na protektahan ang territorial integrity ng bansa, kahit anuman ang gawin ng mga dayuhang barko tulad ng banggain ang barko ng Pilipinas, mag-water cannon, o mag-block ng ruta.
Samantala, nilinaw ni Pangulong Marcos na walang direktang tugon mula ang dayuhang bansa hinggil sa typhoon missile deal at ang usapin ng pagbawas ng tensyon sa rehiyon.
Paliwanag ng Pangulo, general terms o pangkalahatan lamang ang tugon ng mga dayuhan na nagsasabing ang kanilang mga aktibidad ay bahagi ng kanilang karapatang ipatupad ang batas.
- Latest