Sen. Bato kinalampag ang PNP-HPG
![Sen. Bato kinalampag ang PNP-HPG](https://media.philstar.com/photos/2025/01/31/2_2025-01-31_20-29-50.jpg)
Sunud-sunod na aksidente sa Marilaque
MANILA, Philippines — Binigyang diin ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na panahon na para kumilos ang Philippine National Police (PNP), partikular ang Highway Patrol Group (HPG) para magpatupad ng permanenteng solusyon sa nangyayaring aksidente sa Marilaque o ang (Marikina-Rizal-Laguna-Quezon) Highway.
“It’s about time that the Highway Patrol Group of the PNP tightens its grip along the whole stretch of the Marilaque highway with the support of course of the local police and the LGUs,” tigas na sabi pa ni Dela Rosa.
Sa pagdinig ng Senate Public Order and Dangerous Drugs, personal na pinaabot ni Dela Rosa ang pagkabahala niya sa sunud-sunod na road mishap sa nasabing highway.
“Ang dami nang disgrasya diyan sa Marilaque Highway at ang dami nang mga nagkokomento bakit mahina ang law enforcement natin pagdating sa area na ‘yan.”, ani Dela Rosa.
Ginawa ni Dela Rosa, na dating naging hepe ng PNP, ang pahayag kasunod ng pinakahuling pangyayari sa Marilaque kung saan isang motorcycle rider ang nasawi at may ilan pa ang nasugatan sa bahagi ng highway sa Barangay Cuyambay Tanay, Rizal.
“Ako, I am also using that highway ‘pag weekend. Nagra-ride rin ako diyan kaya feel ko kung ano ‘yung kaligayahan ng isang rider makadaan sa lugar na ‘yan. Pero ‘yun lang, hindi natin maiwasan ‘yung, I hate to use the term, “kamote riders.” May riders talaga na (may) total disregard of safety.”pagwawakas ni Bato.
- Latest