MANILA, Philippines — Pinangunahan ni A Teacher Partylist nominee Virginia Rodriguez ang pamamahagi ng bigas, tubig at relief goods sa mga underprivileged families, mga magsasaka, mga guro at mga estudyante sa Maria Aurora, Aurora Province, bilang bahagi ng kanyang commitment na suportahan ang marginalized Filipino population.
Katuwang ni Rodriguez si Maria Aurora Mayor Ariel S. Bitong sa distribusyon ng mga naturang ayuda para sa mga benepisyaryo.
Ayon kay Rodriguez, isa sa mga paraan upang makatulong na labanan ang kahirapan sa komunidad ay mag-donate ng pondo at magkaloob ng livelihood projects sa mga magsasaka at kanilang pamilya. Nabatid na ang A Teacher party list, na siyang napili ng karamihan sa mga mahihirap upang kumatawan sa kanila sa Kongreso, ay nagsusulong na makapagkaloob ng pondo upang maayos ang housing inequalities, education gaps, food insecurities at iba pa.
Sa tulong ng mga local leaders sa Aurora, nagsagawa rin si Rodriguez ng Livelihood Programs na nakapokus sa pagbuo ng partnerships, pag-empower ng mga indibidwal at magsulong ng stakeholder accountability upang makapagtatag ng self-reliant at sustainable communities.
Sa pamamagitan ng mga inisyatibang ito, itinataguyod ng A Teacher partylist ang pananaw na ang proyekto ay higit pa sa isang adbokasiya ngunit sa katunayan ay isang katuwang para sa kaunlaran.