MANILA, Philippines — Isang obrero ang nasawi nang mabasag ang bungo matapos na mahulog mula sa inakyat na puno ng buko sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.
Kinilala ang nasawing biktima na si Renato Barba, ng Loreto St., Sampaloc.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-12:30 ng tanghali nang maganap ang insidente sa Cristobal St., Sampaloc.
Nauna rito, umakyat sa puno ng buko ang biktima upang magtanggal ng mga sobrang bunga ngunit minalas na mawalan ng balanse at nahulog na una ang ulo. Naisugod pa sa Ospital ng Sampaloc ang biktima ngunit dead-on-arrival na ito.